-- Advertisements --

Naglabas ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at dating Defense Ministery Yoav Gallant.

May kaugnayan ito sa war crimes na kanilang ginawa sa giyera laban sa mga Hamas sa Gaza noong Oktubre 7.

Kasama rin sa arrest warrant si Mohammed Diab Ibrahim Al-Masri, o kilala bilang si Mohammed Deif na sinasabi ng Israel na siyang mastermind ng pag-atake.

Si Deif rin ay napatay din ng Israel sa isinagawa nilang airstrikes noong nakaraang mga buwan.

Magugunitang noon pang buwan ng Mayo ay hiniling ni ICC prosecutor Karim Khan na dapat ay maglabas ng arrest warrant laban kay Netanyahu , Gallant at sa namayapang Hamas lider na si Yahya Sinwar kasama ang dalawa pang ibang opisyal ng Hamas.

Matapos ang anunsiyo ni Khan ay pinag-aralan ng ICC Judges ang findings nito at nakitang walang rason na dapat ay iantala pa ang aplikasyon ng warrant of arrest.