-- Advertisements --

Inatasan ng Pre-Trial Chamber I ng International Criminal Court (ICC) ang prosecution at ang defense team ni dating pangulong Rodrigo Duterte na ihanda ang mga ebidensiya sa susunod na buwan.

Sa kautusan, na dapat ang dalawang panig ay ihanda na ang anumang uri ng ebidensiya na plano nitong ipresenta.

Sa darating na Abril 4, 2025 ng ipinapasumite ang information ng mga isinumiteng ebidensiya, kung ilan ang mga witness at ang mga salaysay nila para sa panig ng prosecutors.

Habang sa kampo naman ni Duterte ay mayroon silang hanggang Abril 11 para isumite ang kanilang obserbasyon sa information na isininumite ng prosecution.

Sasagutin din nila kung magprepresenta ng ebidensiya o tumawag ng kanilang sariling witness sa gaganaping confirmation hearing sa buwan ng Setyembre.

Tungkol naman sa partisipasyon ng mga biktima ay binigyan ng ICC ang Registry ng hanggang Abril 2, 2025 na maghain ng obserbasyon na kinalaman sa aplikasyon ng mga biktima sa kanilang paglahok.

Kabilang na dito ang admission proceedings, proof of identity documents at legal representation sa kasalukuyang proceedings.

Magugunitang base sa police records ay mayroong 6,000 katao ang nasawi sa drug war subalit base sa human rights groups ay aabot sa 30,000 ang nasawi kabilang ang vigilante killings.

Una ng sinabi ni Duterte na kaniyang inaako ang lahat ng mga kaso na ibinabato sa kaniya at iginiit ng abogado nitong si Nicolas Kaufman na iligal ang pag-aresto sa dating pangulo.