-- Advertisements --

Target ngayon ng International Criminal Court (ICC) na magpalabas ng warrant of arrest laban sa mga lider ng Taliban.

Ito ay dahil sa gender-based crimes matapos ang pagkaitan ng karapatan ang mga kababaihan ng Afghanistan.

Ayon kay ICC Chief Prosecutor Karim Khan na mayroon silang sapat ng ebidensya para sa pag-aresto laban kay Haibatullah Akhundzada ang supreme leader ng Taliban at Abdul Hakim Haqqani ang Chief Justice of the “Islamic Emirate of Afghanistan”.

Lumbas din sa kanilang pag-iimbestiga na ang mga lumalabag na mga kababaihan sa ipinapatupad nilang batas ay kanilang ikinukulong, ginagahasa at pinapatay.

Ang aplikasyon ng arrest warrants ng ICC prosecutors ay kailangan pang-aprubahan ng judge.

Magugunitang mula ng pamunuan ng Taliban ang Afghanistan noong Agosto 2021 ay hinigpitan ang tungkulin ng mga kababaihan sa publiko.

Ilan sa mga pinagbawalan sa mga kababaihan ang pumasok sa unibersidad, magtungo sa mga beauty salons at magtrabaho sa mga non-government organizations kasama na dito ang United Nations.