-- Advertisements --

Inamin ni International Criminal Court (ICC) na hindi pa nila itinuturing na akusado si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa paraan ng due process, ito ay suspek pa lamang.

Sinabi ni ICC spokesman Fadi El Abdallah sa exclusive interview ng Bombo Radyo na mahalagang ma-stablish muna ang role ng isang tao sa mga criminal information bago itakda kung ito ay akusado sa mga nakahaing reklamo.

Isa lang ngayon ang warrant of arrest at wala pang kasabay na isasalang sa paglilitis ukol sa parehong usapin, kundi si Duterte pa lang.

Magugunitang naging maugong na huhulihin na rin ang iba pang may kinalaman sa war on drugs, kagaya nina Sen. Ronald dela Rosa at retired PNP Chief Oscar Albayalde.

Pero walang dokumentong nagsasabi na aarestuhin na rin sila o ang iba pang indibidwal.

Sa pagturing na suspek, may tyansa ang dating pangulo na humiling ng mga available na options, kabilang na ang paghiling ng temporary liberty, hospital facilities at konsiderasyon.

Gayunman, kailangan nitong sumunod sa itinatakda ng batas sa ilalim ng ICC.