-- Advertisements --

Hindi na nagbigay pa ng anumang komento ang International Criminal Court (ICC) kung nakalabas na ang warrant of arrest ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagbigay na lamang sila ng update na gumugulong ang nasabing kaso ng mga war-on-drugs ng bansa mula 2011 hanggang 2019.

Una ng sinabi rin ng dating Pangulo , na inaasahan na niya ang nasabing kaso at handa itong magpaaresto.

Nagpahayag naman ng kahandaan ang gobyerno sakaling maipalabas ang warrant of arrest sa dating pangulo.

Sinabi naman ni Justice spokesperson Mico Clavano, na dahil sa hindi na miyembro ng ICC ang Pilipinas ay maaring hindi na dumaan sa normal process.