-- Advertisements --

Mariing inalmahan ng Malacañang ang ginagawang preliminary examination ng International Criminal Court (ICC) sa reklamong crimes against humanity laban kay Pangulong Rodrigo Duterte na inihain ng National Union of People’s Lawyers (NUPL).

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi ito maaaring gawin ng ICC dahil wala silang hurisdiksyon kay Pangulong Duterte at kahit pa sabihing valid ang Rome Statute sa bansa, epektibo na ang withdrawal ng Pilipinas noon pang nakaraang buwan.

Ayon kay Sec. Panelo, malinaw na pursigido ang ICC na makialam sa soberenya ng bansa at paglabag din ito sa Rome Statute na sila mismo ang lumikha.

Kaya dahil daw sa bias na hakbang ng ICC, hindi nila masisisi ang mga Pilipinong isiping ito ay politically-motivated na layuning siraan hindi lamang ang Duterte administration kundi maging ang Republika ng Pilipinas.

“With the Office of the Prosecutor of the ICC writing the National Union of Peoples’ Lawyers a letter on April 4, 2019 saying that it will analyze the latter’s communication in the context of a situation already under preliminary examination by it, it becomes apparent that this institution is indeed bent on interfering with the sovereignty of our Republic even if it means disregarding the Rome Statute, the very instrument which created it,” ani Sec. Panelo.