Nakatakdang magpresenta ang prosecutions sa crimes against humanity case ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng mga ebidensiya.
Ayon kay ICC prosecutor Karim Khan, na kinabibilangan ito ng ilang libong pahina ng ebidensiya at halos 16 na oras na recordings ang kanilang ilalabas sa pagdinig ng International Criminal Court.
Sa kanilang pag-iimbestiga ay nakakulekta silang mga ilang mga documentary materails na kinakailangan pa ng legal na pag-aaral bago ilabas.
Patuloy pa rin nila ng inaalam ang kabuuang bilang ng mga written at non-written documentary evidence na kanilang ilalabas sa confirmation hearing.
Magugunitang inaresto ang dating pangulo noong Marso 11 pagkagaling nito sa Hong Kong at dinala sa International Criminal Court (ICC) dahil sa madugong kampanya nito sa iligal na droga.