CAGAYAN DE ORO CITY – Umaasa ang grupong nagsusulong mapanagot si dating Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa isyu ng madugo na war on drugs policy na makakuha ng suporta sa katauhan ni incumbent President Ferdinand Marcos Jr.
Ito’y kahit hindi man lang nabanggit ng diretsahan ni Marcos ng higit isang oras na State of the Nation Address (SONA) ang usapin ng human rights issue lalo na ang kasalukuyang pakikibaka ng mga grupo na mapanagot ang nasa likod ng madugong war on drugs policy.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Atty. Kristine Konti, assistant to counsel sa International Criminal Court na kailangan nila makuha ang suporta ng administrasyon dahil maugong na maaring mayroong ilalabas na warrant of arrest na ukol sa kinaharap na reklamo ni Duterte at iba pa sa loob nitong buwan.
Pangunahing hinahangad kasi nila mula kay Marcos na magpakita ito ng kooperasyon sa pamamagitan ng pagpapalabas ng kautusan sa law enforcemen agencies na maisilbi ang madamiento de aresto para uusad na ang reklamo na pending sa ICC.
Magugunitang bago nakita ng publiko na tuluyang lumamig ang alyansang-politika ni Vice President Sara Duterte at Malakanyang, makailang beses rin binanggit ni Marcos na hindi pagbigyan ang ICC na makapasok at manghihimasok sa internal affairs ng Pilipinas.