-- Advertisements --
UNP vigan

VIGAN CITY – Labis ang kasiyahan ngayon ng isang binata na tubong Isabela na nakapagtapos sa kursong Bachelor of Public Administration at mapaparangalan bilang cum laude sa kabila na ang buhay niya ay pagtitinda ng ice candy.

Isa si Joel Quitoriano sa daan-daang estudyante ng University of Northern Philippines sa Vigan City, Ilocos Sur na nagtapos nitong May 22.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Vigan, si Quitoriano ay lumaki sa bahay-ampunan at dahil sa kagustuhan nitong mag-aral at mabago ang kaniyang kapalaran, naisipan nitong magtinda ng ice candy sa loob ng nasabing unibersidad hanggang doon nauubos ang paninda.

Hindi umano ikinahihiya ng binata ang pagtitinda nito ng ice candy dahil marangal naman umano ang kaniyang ginagawa at para naman ito sa kaniyang kinabukasan.

Maliban sa nakapagtapos na ito sa pag-aaral, masaya rin si Quitoriano dahil nakabili ito ng sariling refigerator kung saan nito ipinapalamig ang kaniyang mga panindang ice candy at nakapag-ampon pa siya ng isang bata na isinama pa nito sa kaniyang creative shot sa kaniyang graduation picture.