-- Advertisements --

Natuklasan sa hilagang bahagi ng China ang coronavirus mula sa samples ng ice cream.

Dahil dito, libu-libong ice cream products ang kinumpiska ng mga otoridad matapos naging kontaminado ito sa deadly virus.

Ang nasabing ice cream ay pino-produce raw ng Tianjin Daqiaodao Food Company mula sa bayan ng Tianjin.

Ice Cream 1

Lahat umano ng produkto ng Tianjin Daqiaodao ay naka-sealed at kino-contain matapos magpositibo ito sa COVID-19.

Sa ginawang imbestigasyon ng epidemiological team, napag-alaman na gumamit ng raw materials ang kompaniya kabilang na ang milk powder na nagmula sa New Zealand at whey powder naman mula sa Ukraine.

Kinumpirma naman ng Tianjin Daqiaodao company na isinailalim nila sa quarantine ang kanilang 1,662 employees at inilagay sa nucleic acid testing.

Sa nasabing bilang, 700 ang nagnegatibo habang 962 employees ang inaantay pa ang kumpirmasyon sa resulta.

Nilinaw naman ni Dr. Stephen Griffin, isang virologist na nakabase sa University of Leeds na hindi dapat mag-panic dahil hindi ibig sabihin nito lahat na ng ice cream ay kontaminado sa coronavirus.

Pero inamin nito na dahil sa cold temperature ng ice cream at nagtataglay ng mga fats kung kaya’t nakaka-survive ang virus. (with report from Bombo Jane Bunas)