-- Advertisements --
DAVAO CITY – Namangha ang tatlong groupo ng mountain climbers sa Lake Venado ng Mt. Apo sa Davao City dahil sa ice frost na nangyari sa kapaligiran sa lugar.
Sa panayam ng Star FM Cotabato kay Ronie Torlao isang mountain guide sa Mt. Apo, na ginulantang sila ng ice frost paglabas nila sa kanilang mga tents at tinatayang nasa eight hanggang 10 degrees Celsius ang temperatura sa lugar.
Samantala, nilinaw din ni Torlao na normal na sa lugar ang pangyayaring ito taliwas sa mga balitang kumakalat sa internet.
Matatandaang, Pebrero 2019, nang binalot din ng ice frost ang tuktok ng Mt. Apo dahil sa sobrang lamig.