Hinuli ng federal authorities ang 11 Jewish activists at immigration rights activists na hinarangan ang lahat ng pintuan ng U.S Immigration and Customs Enforcement (ICE) headquarters sa Washington.
Ito ay bilang parte ng kanilang panawagan upang buwagin na ang ahensya matapos ang naging desisyon nitgo na ikulong ang mga illegal immigrants sa detention centers na naging sanhi upang magkawatak-watak ang mga pamilya.
Kapit-bisig na nagmartsa ang grupong “Never Again Action” mula sa National Mall sa Washington D.C patungo sa gusali ng naturang ahensya.
Nang makarating sa gusali ay tumayo sila at hinarangan ang lahat ng entrance at exit doors.
Labis naman ang galit ng mga empleyado ng ICE na sinubukan ang kanilang kapalaran na makapasok o di kaya’y makalabas sa building.
May dala ring banner ang mga aktibista kung saan nakasulat ang mga katagang “Pelosi, never again is now,” bilang patama kay House Speaker Nancy Pelosi hinggil sa pagsuporta nito sa $4.6 billion bill na itinakda upang tulungan ang mga nasa U.S-Mexico border.