Nananatiling buhay ang pag-asa nina Ice Seguerra at Film Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Diño na mapagtagumpayan na ang pagsailalim nila sa in vitro fertilization (IVF).
Ito’y kasabay ng kanilang sixth wedding anniversary kung saan kabilang anila sa planong hindi pa natutupad ay ang pagkakaroon na ng mga tsikiting.
Nabatid na walang natuloy sa kanilang plano partikular ang sana’y makapag-romansa sa Tagaytay, ngunit maraming mga biglaang meeting kaya sa bahay na lamang din nakapag-celebrate.
“What happened today sums up our life together. Napakarami naming plano na hindi pa natutuloy because something got in the way. From the smallest travel boo-boos to having a baby. Siguro, kung iba yan, nag-away na. That’s what I love about our relationship; kahit ano man ang dumating, naiiba man ang plano paminsanminsan, we go through it together.
Situations change all the time kaya I’m just blessed na magkasama kami para harapin ang bawat pagbabago na dumarating nang bukas ang puso at isipan. We have learned to accept and actually find ways to enjoy and make the most out of all the changes that come our way.
It takes a special person to do that…and I’m glad she’s my wife,” bahagi ng wedding anniversary online post ng dating child star.
Una nang nakakita ng sperm donor ang 37-year-old “Pagdating Ng Panahon” singer at ang 39-year-old former beauty queen, bilang unang proseso ng IVF o yaong pagsasama sa itlog ng lalaki at babae sa laboratory dish.
Taong 2016 pa naging bukas sina Liza at Ice sa IVF procedure, bagay na suportado naman daw ng kani-kanilang pamilya at hindi na big deal kung baby girl o boy ang mabuo.