-- Advertisements --
Hindi maitago ni Ice Seguerra ang kaniyang kasabikan matapos na mapili bilang isa sa mga frontact sa concert sa bansa ni Alani Morissette.
Isasagawa ang nasabing concert sa SM Mall of Asia sa August 1 and 2.
Sa kaniyang social media account ay sinabi ni Ice na siya ay kinikilig matapos mapili.
Mula kasi ng pagkabata ay pinapakinggan na niya ang singer.
Magugunitang makailang beses na nakansela ang concert ng American singer na una dapat ay noong Abril 2020 at inilipat noong Disyembre 2021 at November 2022 na kinansela dahil sa COVID-19 pandemic.