Sinupalpal ng immigrant’s right group sa Estados Unidos ang anunsiyo ni US President Donald Trump na arestuhin ang mga undocumented immigrants sa halos 10 siyudad sa naturang bansa.
Nagbigay naman ng payo ang nasabing samahan sa maaaring susunod na hakbang ng mga illegal immigrants kung sakaling hulihin sila ng United States Immigration and Customs Enforcement (ICE).
Nakatakdang magsimula sa Linggo ng mga otoridad ang paghuli sa mga illegal immigrants at ipa-deport ang mga ito alinsunod sa inilabas na court-order.
Target ng nasabing operasyon ang halos 2,000 immigrants na naninirahan sa Atlanta, Baltimore, Chicago, Denver, Houston, Los Angeles, Miami, New Orleans, New York and San Francisco.
Una nang nagpadala ang ICE ng 2,000 sulat sa mga pamilya na nakatanggap na ng final orders of removal mula sa mga hukom kung saan hinihikayat ang mga ito na mag self-report o kuysang pumunta sa mga local ICE offices.
Sa oras na maisagawa ang nasabing pag-aresto, ililipat ang mga ito sa family residential detention centers na itinayo ng ICE katulong ang iba’t ibang konsulada upang mabigyan ang mga ito ng travel documents pabalik sa kani-kanilang mga bansa.