-- Advertisements --
Binuksan ng Iceland ang kanilang border para sa mga nais magtungo sa bansa.
Subalit tanging mga naturukan na ng COVID-19 vaccine ang papayagang makadalaw sa nasabing bansa.
Sinabi ni Prime Minister Katrin Jakobsdottir na ang hakbang ay para mabuksan na ang ekonomiya ng bansa na labis na naapektuhan ng pandemya.
Ang mga mamamayan ng Britanya at US lamang ang napiling papasukin sa bansa.