-- Advertisements --
Umaasa ang Icelandic Ministry of Foreign Affairs na tatalima ang gobyerno ng Pilipinas sa gagawing imbestigasyon ng United Nations Human Rights Council sa mga nagaganap na extra-judicial killings.
Sinabi ni Iceland Foreign Minister Gudlaugur Thordarson, na dapat gayahin ng Pilipinas ang Iceland na sumusunod sila sa mga international law.
Paglilinaw pa ng Iceland foreign ministry na ang UN resolution ay walang anumang halong pamumulitika.
Magugunitang sinuportahan ng 18 bansa ang sumuporta sa resolution para isagawa ang imbestigasyon ng United Nations sa nagaganap na EJK.