-- Advertisements --

Magsisimula ngayong araw sa Puerto Princesa, Palawan ang ICF Dragon Boat World Championships.

Umabot sa 27 mga bansa ang kahalok na nasa 2,000 na mga manlalaro ang dumating na sa Palawan.

Ang nasabing event ay isang main qualifying event para sa World Games na gaganapin sa Chengdu, China sa susunod na taon.

Sa World Games kasi ay unang magiging medal sports ang nasabing Dragon Boat kung saan ang mga top 10 teams sa 200-meter, 500-meter at 2,000 meter races sa 10-seater mixed team event ay kuwalipikado na sa World Games.

Labis naman ang kasabikan ni International Canoe Federation Thomas Konietzko ng Germany na makasali sa nasabing torneo.

Tiwala naman si Philippine Canoe Kayak Dragon Boat Federation president Leonora Escollante na bilang host ang bansa ay mamamayagpag ang Pilipinas dahil mula pa noong nakaraang buwan ay lubos na ang ginagawa nilang ensayo.

Huling nagkampeon kasi ang bansa sa nasabing torneo ay noong 2018 na ginanap sa Georgia.