-- Advertisements --
Lumubog ang iconic at tanyag na floating restaurant sa Hongkong ilang araw matapos hatakin mula sa harbour na halos 50 taong din ang naging operasyon nito.
Ang Jumbo Restaurant ay tumaob sa bahagi ng South China Sea habang ito ay dinadala sa isang undisclosed location.
Ayon sa Aberdeen Restaurant Enterprises walang crew members ang nasugatan sa naturang insidente.
Isinara ang naturang restaurant noong March 2020 nang tmama ang COVID-19 pandemic.
Umaabot sa mahigit 3 million guests ang kumakain sa naturang Cantonese cuisine s nakalipas na taon nadinarayo pa ng ilang mga kilalang personalidad na sina Tom Cruise at Richard Branson at si Queen Elizabeth II.