-- Advertisements --

Naibenta sa halagang $32.5 milyon ang iconic na sapatos na isinuot ng actress na si Judy Garland sa pelikulang “The Wizard of Oz”.

Ayon sa Heritage Auctions na ang red sequins na siyang sa apat na natira para sa pelikula na isinuot ng actress noong 1939.

Hindi na isinapubliko pa ng Heritage Auctions ang nagwagi sa nasabing bidding.

Nahiigitan nito ang Seven Year Itch dress ng actress na si Marilyn Monroe na naibenta sa halagang $4.6 milyon noong 2011.

Taong 2005 ng nakawin ang sapatos mula sa Judy Garland Museum sa Grand Rapids, Minnesota.

Sa loob ng ilang dekada ay nawala ang nasabing sapatos hanggang mabawi ito ng isang undercover FBI agent.