Magpapalit na ng pangalan ang iconic na Staples Center sa Los Angeles.
Simula sa Disyembre 25 ay tatawagin na lamang itong Cryto.com.
Ang nasabing pagpapalit ng pangalan aniya ay base sa naging kasunduan sa pagitan ng AEG ang may-ari at operator ng multipurpose arean at cryptocurrency app na Crypto.com.
Mapapalitan ang nasabing pangalan nito ng hanggang 20 taon.
Ang 20,000-seater ay doon ginaganap ng mga pangunahing sports team gaya ng Los Angeles Lakers, LA Cippers, LA Sparks ng WNBA at LA Kings National Hockey League.
Doon din ginanap ang 19 ng huling 21 Grammy Awards.
Sinabi naman ni Crypto.com co-founder at CEO Kris Marszalek na ang kasunduan ay magiging pangunahing forefront ang nasabing cyptocurrenc app sa mga sports, entertainment at teknolohiya.