BUTUAN CITY – Patuloy ang pagbaba ng hospital capacity sa lalawigan ng Agusan del Sur dahil sa walang humpay na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 kungsaan sila ang palaging naangunguna sa mga may mataaas na kaso sa buong Caraga Region.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Dr. Dioharra Appari, head ng RESU-HEMS ng DOH-Caraga na ang mabilis na pagtaas ng mga COVID-19 cases ngayon sa buong rehiyon ay dahil na rin sa pagiging kampante ng lahat nitong nakalipas na buwan nang bahagyang bumaba ang mga kaso.
Kahit nu mano ang mga local government units ay humina ang kanilang isinagawang swab tests pati na sa specimen collection.
Pinaka-apektado nito ang lokal na pamahalaan ng Agusan del Sur dahil nasa critical risk na ang kanilang intensive care unit (ICU) bed utilization rate matapos na siento-porsiento na ng kanilang mga kama ang nagamit na ng mga COVID-19 patients.
Habang ang kanilang bed utilization rate ay nasa 83-porsiento naman ngayon na lagpas na sa moderate risk o halos malapit ng umabot sa high risk.
Dahil dito’y kanilang sinulatan ang mga municipal health officers hindi lang sa nasabing lalawigan kundi pati na sa iba pang mga lalawigan na i-upgrade ang kanilang specimen collection pati na ang contact-tracing sa mga nakasama sa first-generation close contact sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19, may nararamdaman mang simtomas o wala.