MANILA – Nasa “high risk” na ang occupancy rate o porsyento ng intensive care unit (ICU) beds na okupado ng mga pasyente ng COVID-19 sa National Capital Region.
Batay sa datos ng Department of Health, as of April 18, 84% ng ICU beds sa mga ospital sa Metro Manila ang may naka-admit na pasyente ng coronavirus.
Pareho na rin ang antas ng occupancy sa ICU beds ng mga pagamutan sa Cordillera (73%), at Calabarzon (83%).
Samantala, nasa “critical risk” na ang occupancy ng mga kama ng ICU sa mga ospital sa Cagayan Valley (88%) at Central Luzon (87%).
Kabilang ang datos ng ICU beds sa mga binibilang kapag inire-report ng kabuuang healthcare utilization rate ng isang ospital.
Kasama ang bilang ng mga okupadong ward beds, isolation beds, at mechanical ventilators.
DOH: As of the latest Health Facility Capacity Report (April 18), the HCUR of priority regions are at moderate to high risk.
— Christian Yosores (@chrisyosores) April 21, 2021
NCR – 67% (moderate)
CAR – 76% (high)
Region II – 80% (high)
Region III – 61% (moderate)
Region IV-A – 70% (high) | @BomboRadyoNews
Sa ngayon “moderate risk” o 67% ang healthcare utilization rate ng mga ospital sa NCR at Central Visayas (61%).
Pare-pareho namang “high risk” ang occupancy sa pasilidad ng mga ospital sa Cordillera (76%), Cagayan Valley (80%), at Calabarzon (70%).
Binabantayan ng DOH ang limang rehiyon dahil patuloy silang nakakapagtala ng mataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19.
Tinatayang 1,062 asymptomatic at 1,792 mild suspect at probable cases ang naka-admit sa mga ospital sa NCR.
“Ang ating mga ospital, especially dito sa NCR comprises yung kanilang mga admission na mild and asymptomatic still at 41,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
Una nang sinabi ng ahensya na dapat severe at critical cases lang ang naka-admit sa mga ospital.
Inirerekomenda naman ang asymptomatic at mild cases sa mga quarantine at isolation facilities.