-- Advertisements --

Bumaba na ang utilization rate ng mga intensive care units (ICU) sa mga pagamutan ng Metro Manila.

Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega na bumaba mula 51 ay naging 50 percent ang mga overall healthcare utilization (HCUR) sa Metro Manila.

Paglilinaw nito na ang nasabing bilang ay mas mataas kung ICU occupancy sa rehiyon ang ikokonsidera.

Noong Abril 18 kais ang ICU utilization sa Metro Manila kung saan itinturing bilang epicenter ng outbreak sa bansa ay aabot sa 84 percent.