-- Advertisements --

Nag-aalala ngayon ang US Military chiefs na maaari raw balutin ng pulitika ang inilatag na programa ni US President Donald Trump para sa pagdaraos ng Independence Day mamayang gabi.

Pangungunahan ng US Military ang nasabing event kung saan matutunghayan ng mga manunuod ang pagpapakitang-gilas ng iba’t ibang armas tulad ng M1 Abrams tanks na una nang inilunsad sa re-election campaign ng presidente.

Una rito ay inanyayahan ni Trump na samahan siya ng mga military leaders sa entablado habang inilalahad ang kaniyang talumpati.

Ayon sa mga ito, kung sakali raw na masobrahan sa pulitika ang magiging talumpati ng kanilang presidente ay maaari raw lumabag ang mga military personnel sa Defense Department guidelines kung saan nakapaloob dito na hindi sila maaaring makisali sa kahit anong political activity habang suot ang kanilang uniporme.