Inaalam na ngayon ng pambansang pulisya ang mga identities ng mga ninja cops na nasa likod ng riding-in-tandem hitmen na pumapatay ng mga indibidwal.
Una nang ibinunyag ni PNP chief Dir. Gen. Ronald “Btao” Dela Rosa na mga ninja cops ang nagmamantini ng riding-in-tandem suspeks.
Ayon kay PNP chief, kasalukuyan nilang bina-validate ang natanggap nilang impormasyon na mga pulis na involved sa droga na napi-pressure sa anti-drug campaign ang nasa likod ng mga riding-in-tandem killings.
Gusto aniya nilang palabasin na ang PNP ang nasa likod ng mga ganitong istilo ng pagpatay para isabotahe ang anti-drug campaign.
Sinabi ng PNP chief na karamihan sa mga target ng riding in tandem criminals ay mga drug syndicate members na pinatatahimik, pero sinasabayan rin aniya ito ng mga vigilantes at ng mga taong may personal na galit sa mga biktima.
Naging busy lang aniya masyado ang PNP sa anti-drug campaign kaya sinamantala ito ng mga riding-in-tandem suspects.
Pero ngayon aniya hindi na kasama ang PNP sa war on drugs, matututukan nila ang mga riding-in-tandem criminals at maging ang mga handlers nito.
Tiniyak ni PNP chief na matutuldukan na rin ang criminal activities ng riding in tandem suspects.