-- Advertisements --

Kinilala na ng Philippine National Poplice-anti kidnapping group (PNP-AKG) ang dalawang kidnappers na Indian na napatay sa engkuwentro kaninang madaling araw sa Palanas Road, Anabu, Imus City, Cavite.

Tinukoyni PNP-AKG Director S/Supt. Glen Dumlao ang dalawa na sina Kumar Pardeep at Hunny Singh.

Sinabi ni Dumlao na ang grupo ni Singh ay notorious sa pagdukot sa kapwa nila kababayan.

Ayon naman kay Imus chief of police, Supt. Norman Ranon, P20 milyong ang hinihinging ransom ng dalawa sa kapwa Indian na kanila ring pinatay na nagngangalang Lalit Kumar.

Dagdag pa ni Ranon nagkatawaran at bumaba sa P680,000 ang ransom.

Inamin ni Dumlao na kanilang natunugan na pinatay na ng mga kidnapper ang biktima kung kaya in-operate na nila ito.

Inihayag ng opisyal na noong September 3 kinidnap sa Dasmarinas, Cavite si Kumar, at pinatay kahapon kasabay ng pagtapon ng bangkay sa Barangay Navarro, Gen. Trias, Cavite.

Inihayag din nito na may kaugnayan ang mga kidnapper sa mga miyembro ng KFRG na nakasagupa noon ng PNP-AKG sa Laguna.