-- Advertisements --
Isasama na sa mga paaralan sa China ang idolohiya ng kanilang pangulo na si Xi Jinping.
Ayon sa Ministry of Education, makakatulong ang nasabing hakbag para maitatag kaagad ang Marxist belief sa mga kabataan.
Pagsasama-samahin ito mula primary school hanggang sa kolehiyo.
Ito na ang pinakahuling paraan ng Chinese president para maisama ang pamumuno ng China sa iba’t ibang bahagi ng China.
Noong 2018 kasi ay inilagay ng mga mambabatas ang “Xi Jinping Thought” sa kanilang konstitusyon.