COTABATO CITY—Inihayag ng Ministry of Trade, Investments and Tourism (MTIT) na naka-freeze ang presyo ng mga basic necessities (BN) sa rehiyon ng Bangsamoro, kasunod ng deklarasyon ng state of calamity dahil sa malawakang pagbaha.
Ito ay alinsunod sa Republic Act (RA) 7581 na kilala rin bilang Price Act of the Philippines, na nagmumungkahi na ang “prices of basic necessities (BN) are automatically frozen at their prevailing prices for sixty (60) days once a state of calamity (SOC) is declared in an area.”
Kabilang sa mga produkto ng BN na babantayan ng MTIT ay ang mga de-lata, locally manufactured instant noodles, bottled water, tinapay, processed milk, kape, kandila, sabon sa paglalaba, detergent, at asin.
“We are closely coordinating with other government agencies, manufacturers, and retailers to ensure availability and continuous supply of basic goods in the market,” Ani Hussein Biruar, director of Bureau of Trade and Industry.
Binabalaan din ng pamunuan ang mga retailer na pigilin ang pagbebenta ng mga pangunahing pangangailangan nang higit sa tinukoy na mga presyo.