CAGAYAN DE ORO CITY – Agad na ikinasa ng Department of Agriculture (DA-10) o ang information and education campaign (IEC) strategy matapos makumpirmang tinamaan ng African swine fever (ASF) ang ilang alagang baboy sa Brgy Pugaan, Iligan City.
Sinabi ni DA-10 Director Carlene Collado, naka-isolate na ang nasabing barangay kung saan wala nang pinahintulang baboy na makalabas at wala na ring pork products na pinapapasok.
Ayon kay Collado umabot na sa mahigit 600 na mga baboy ang na-eliminate o napatay at maaring madaragdagan pa ito.
Dagdag pa ng opisyal, may compensation naman o binabayaran ang mga may-ari ng baboy na napabilang sa culling.
Tiniyak naman ng ahensiya na hindi maapektuhan ang suplay ng baboy sa buong rehiyon dahil maliit lamang na lugar ang tinamaan ng ASF.