-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa pagkakarekober ng isang improvised explosive device (IED) sa bayan ng Pikit, North Cotabato.

Ayon sa Pikit PNP, isang report ang kanilang natanggap na may iniwan umanong bag na may lamang pagpamasabog sa Barangay Ginatilan sa nasabing bayan.

Agad namang rumesponde ang Explosive Ordnance Disposal Team ng PNP sa lugar kung saan kumpirmadong IED nga ang laman ng nasabing bag.

Narekober din sa loob nito ang dalawang cartridge 40MM, isang Internet wire color blue, 12 Volts battery at apat na container.

Lumalabas naman sa imbestigasyon ng PNP na pananakot lamang ang posibleng motibo ng mga suspek sa pag-iwan ng nasabing eksplosibo.

Samantala, naniniwala naman ang 6th Infanfry Division Phil Army na kaya iniwan ng hindi pa tukoy na grupo ang bomba sa gilid ng daan dahil may isinasagawang checkpoints ang PNP at AFP sa lugar.

Kulang din umano ang gamit sa pagbuo ng IED kaya’t hindi ito sumabog.

Nagdulot naman ng labis na takot sa mga residente ang nasabing pangyayari.