-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang itinurong suspek na nag-iwan ng Improvised Explosive Device (IED) sa gilid ng national highway sa Upi Maguindanao.

Mismong mga sibilyan ang nakakita sa bomba at agad pinagbigay alam sa mga otoridad.

Agad na nagresponde ang militar at pulisya kasama ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Team ng Philippine Army kung saan de-nidused ang IED.

Matatandaan na bago pumasok ang bagong taon ay sumabog ang isang bomba sa gilid ng kalsada sa bayan ng Upi at dalawa ang nasugatan.

Sinundan din ito nang panghahagis ng granada sa Upi Municipal Police Station at maswerteng hindi sumabog.

Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa North Upi Maguindanao.