-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Kagagawan umano ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang iniwang improvised explosive device (IED) sa gilid ng national highway sa lalawigan ng Maguindanao.
Ayon sa ulat ng pulisya, nadiskubre ang bomba ng ilang mga sibilyan na iniwan sa gilid ng kalsada sa Shariff Aguak, Maguindanao.
Agad na nagresponde ang mga sundalo at pulis kung saan pansamantalang isinara ang national highway.
Mabilis na dumating ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Team ng Philippine Army at di-nifuse ang bomba.
Posibleng target ng IED ang convoy ng mga sundalo o kaya mga local officials ng probinsya.
Sa ngayon ay hinigpitan pa ang seguridad sa Maguindanao lalo na at kasabay ito ngayon ng promulgasyon ng Ampatuan massacre case.