-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Isang malakas na uri ng improvised explosive device (IED) sa lungsod ng Cotabato.
Ayon kay Cotabato City police director Colonel Richard Fiesta, natagpuan ng mga basurero sa dumpsite ang bomba sa Purok Higaya, Barangay Poblacion 9, Cotabato City.
Agad tinawagan ng mga opisyal ng Barangay ang mga pulis at sundalo kaya mabilis itong nagresponde.
Dumating din ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Team ng Philippine Army at kusang pinasabog ang bomba na gawa sa C-4.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng City PNP sa bomba na natagpuan sa dumpsite ng siyudad.