-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Kagagawan ng mga Extortion Group ang tangkang pagpapasabog ng bomba sa isang yunit ng bus sa probinsya ng Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya isang bagay ang napansin ng bus dispatcher sa Kidapawan City Overland Terminal na iniwan sa loob ng Yellow Bus Line na may biyaheng Kidapawan City-Tulunan-Mlang at Tacurong City.

Ang pinaghinalaang bomba ay isinilid sa lalagyan ng Catsup na may nakitang wires at cellphone.

Agad na nagresponde ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Team at nakompirmang may mga component ng Improvised Explosive Device (IED) ang iniwang bagay ngunit walang kapasidad na sumabog.

Dalawang oras na isinara ang overland terminal at nagdulot rin ng takot sa mga pasahero.

Inamin ng mga konduktor at driver ng YBL na maliban sa bus terminal ay nagpapasakay parin sila sa mga pumapara sa kalsada.

Sa ngayon ay hinigpitan pa ng mga otoridad ang pagbabantay sa loob na Kidapawan City Overland Terminal.