CENTRAL MINDANAO-Isang malakas na uri ng Improvised Explosive Device (IED) ang nadiskubre ng isang driver sa minamaneho nitong trak sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Ayon kay Melvin Fernandez Aposaga,Wingvan driver na nakaparada ang ten wheeler truck sa harap ng kanyang tahanan sa bahagi ng Purok Masagana Barangay Kalawag 1 Isulan Sultan Kudarat.
Magpapagas na sana ang driver nang makita ang isang bomba na itinali sa fuel tank.
Agad inireport ni Aposaga sa Isulan Municipal Station ang nakita bomba sa minamaneho nitong cargo truck.
Agad nagresponde ang mga pulis kasama ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Team.
Isinagawa ng EOD Team ang Render Safe Procedure (RSP) at dinisrupt ang IED..
Ang bomba ay gawa sa isang 81mm projectile na may improvised electric blasting cap, may naka kabit na 9volts Battery bilang power source nito.
Napag-alaman na ang wingvan ay isa sa mga sasakyan na hinarang ng BIFF sa national highway ng Datu Paglas Maguindanao.
Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa bayan ng Isulan Sultan Kudarat na makailang beses narin binomba ng mga terorista.