-- Advertisements --
CENTRAL Mindanao – Pinasabog ng mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Team (EOD) ang natagpuang improvised explosive device (IED) sa bisinidad ng Maguindanao Electric Cooperative (MAGELCO) sa lalawigan ng Maguindanao.
Ayon sa ulat ng pulisya na isang utility worker ng Magelco sa Barangay Capiton, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao ang nakapansin sa isang kahina-hinalaang box habang ito ay naglilinis.
Agad namang nagresponde ang mga sundalo at pulis kasama ang EOD Team ng Philippine Army.
Kusang pinasabog ng EOD team ang bomba na gawa sa 60mm projectile, cellphone bilang triggering mechanism, ,9 volts battery at iba pa.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nakakita sa bomba sa compound ng Magelco.