-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Isang Improvised Explosive Device (IED) ang sumabog sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Arnold Santiago na sumabog ang IED sa bakod ng Datu Salibo Municipal Police Station sa bayan ng Datu Salibo Maguindanao.

Wala namang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa mga sibilyan.

Marami ang naniniwala na itoy kagagawan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa probinsya ng Maguindanao kontra BIFF.