-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Isang Improvised Explosive Device (IED) ang sumabog sa probinsya ng Maguindanao.

Sumabog ang bomba sa gilid ng national highway sa Datu Unsay Maguindanao.

Wala namang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa mga sibilyan.

Grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang itinurong suspek na nagpasabog ng bomba sa bayan ng Datu Unsay at posibling target nito ang convoy ng mga sundalo o kaya pulis.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Unsay PNP sa naturang pangyayari.