-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Ginulantang nang pagsabog ang probinsya ng Cotabato nitong nakalipas ng Linggo ng gabi.

Sumabog ang hindi pa matiyak na bomba sa Barangay Fort Pikit, Pikit, Cotabato.

Wala namang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa ilang mga sibilyan.

Ang nangyaring pagsabog ay malapit sa checkpoint ng Cafgu-BPAT at bahay ni Brgy Kapitan Buda.

Matatandaan na bago ang pagpasok ng bagong taon at selebrasyon ng taong 2020 ay magkasunod na hinagisan ng granada ang bahay ng negosyante na si Hyder Manibpal sa Brgy Inug-ug sa bayan ng Pikit ngunit maswerteng walang nasugatan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP at militar sa panibagong pagsabog sa Pikit.