-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Narekober ng mga kasapi ng 601st Infantry (Unifier) Brigade ng Philippine Army ang ilang mga materyareles pandigma at mga IED components sa Boundary ng bayan ng Polomolok at bayan ng T’boli South Cotabato sa pinaigting na operasyon ng militar laban sa mga Terroristang grupong Dawlah Islamiya Maguid Group sa bulubunduking bahagi ng Boundary ng dalawang bayan.

Ilan sa mga narekober na mga kagamitan ay kinabibilingan ng labin-limang (15) Improvised Explosive Devices (IEDs), isang (1) granada, mga bala, at ibat-ibang sangkap gamit pampasabog.

Umabot naman sa 100 indibidwal na residente ng Purok 1,2 at 3 ng Barangay Lapu ng Bayan ng Polomolok,South Cotabato ang nanatili sa Evacuation center ng kanilang barangay matapos na makarinig ng malakas na palitan ng putok ng baril.

Ito ang kinumperma ni Barangay Lapu Chairwoman Mercy Alonzo sa Bombo Radyo Koronadal.

Samatala, Ayon naman kay P/Lt Redin Cuevas, Deputy Chief of Police ng Polomolok PNP,preparado naman ang Polomolok PNP sa seguridad ng mga individual na nasa evacuation center kung sakaling maulit pa ang kaguluhan sa lugar habang naghahanda ang mga ito sakaling kakailanganin sa operasyon ng militar.

Pinaniniwalaang ang nakasagupa ng mga militar ay ang grupong pinamumunuan ni Jaiden Jade Nilong alyas Aliboy ng Daulah-Islamiyah.