-- Advertisements --
VTI vallacar yanson bus bacolod ceres

BACOLOD CITY – Magsasagawa ng imbentaryo ang kampo ng Yanson matriarch at chief executive officer at president ng Yanson Group of Bus Companies upang matukoy ang mga nawawalang mahahalagang papapels at mga gamit sa main office ng Ceres na nabawi nila kahapon mula sa isa pang presidente na si Roy Yanson.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod sa legal counsel ni Leo Rey Yanson na si Atty. Norman Golez, ikinagulat nila ang nadatnan sa main office ng Ceres kahapon dahil ninakaw ang mga dokyumento at iba pang personal na kagamitan ng mga empleyado na sumusuporta kay LRY.

Halos hindi aniya mapaliwanag ang kalagayan sa loob ng opisina dahil sira na ang mga kabinet at wala na rin itong laman at kumakalat ang mga gamit kung saan-saan.

Isa sa mga pinakaapektado ay ang legal department of Vallacar Transit Inc.

Ayon kay Golez, kakasuhan nila ang mga empleyado na mapapatunayang nang-ransack sa opisina ng kompanya.

Samantala, umaabot naman sa 10 improvised explosives o molotov bomb, steel pipes at palakol ang narekober sa Gate 3 ng VTI main office.

Kahapon, isang empleyado ang nasugatan makaraang hagisan ng thinner matapos naghagis ang mga pulis ng tear gas.