Narekober ng militar ang mga ginagamit na improvised explosive device (IED) at iba pang mga kagamitan pang giyera ng teroristang BIFF at Dawlah Islamiyah Terrorist Group sa Central Mindanao sa nagpapatuloy na combat operations sa lugar.
Sa report na inilabas ng Philippine Army 6th Infantry Division, nagsasagawa ng combat operations ang mga sundalo mula sa 57th Infantry Battalion ng makarekober ang mga ito ng tatlong IED nuong Biyernes sa may Barangay Inadalan, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao.
Ayon kay 57IB Commanding Officer, Lt Col. Edwin Alburo dalawa sa narekober na IED ay inilagay sa loob ng jetmatic pumps habang ang isa ay ginawa sa pamamagitan ng apat na litong tubig na gallon.
“The IEDs were already rigged and ready to be used. It appears that they are planning to use these IEDs for something or somewhere where it will have a big impact.” ayon kay LTC Alburo.
Binigyang-diin naman ni 601st Brigade Commander Col. Jose Narciso, isa sa mga dahilan sa paglunsad ng combat operations para mamonitor at kumpiskahin ang mga terror devices ng teroristang grupo.
Paghahanda na rin ito sa kanilang seguridad dahil nakatakdang mga aktibidad sa Sinugba Festival sa Midsayap bilang bahagi ng founding anniversary ng munisipyo.
“It was timely that we found them for we have received reports that these groups were planning to use them as soon as possible,” wika ni Col.Narciso.
Siniguro naman ni 6th ID at Joint Task Force Central commander Maj. Gen. Diosdado Carreon na ang pinalakas na seguridad at ang ound the clock vigilance ng mga tropa ay para matiyak na hindi magkaroon ng pagkakataon ang mga teorista na maghasik ng karahasan.
“The enhanced security and round the clock vigilance of our troops have prevented these groups from using these terror devices. The Joint Task Force Central will always ensure the safety and security of the people from all acts of criminalities especially in this season where many communities and municipalities in Central Mindanao are celebrating. The timely discovery of these war materiel will surely lessen their capability to wreak havoc and terror and disturb the peace