-- Advertisements --

Nagiwan ng isang maikling mensahe si dating pangulo Rodrigo Duterte para sa kaniyang mga supporters na nakaantabay pa rin sa labas ng detention facility at maging sa mga supporters nito sa Pilipinas.

Kwento ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte, tinanong niya ang kaniyang ama kung ano ang kaniyang masasabi sa mga taong patuloy na nagpapabatid ng suporta sa kaniya lalo na sa mga nasa labas ng detention facility kung saan siya kasalukuyang namamalagi.

Ani VP Sara, sinagot ito ng ama at tsaka sinabing allowed ang mga tagasuporta ng dating pangulo na sabihin ang halos kahit ano partikular na ang kanilang mga saloobin at sama ng loob lalo na kung nakakaramdam ang mga ito ng galit patungkol sa sitwasyon.

Ang mga pahayag na ito ng dating pangulo ay bunsod sa maraming supporters nito ang nananatili sa labas ng pasilidad.

Nang tanungin naman ang pangalawang pangulo kung mayroon bang kahilingan ngayon si FPRRD para sa nalalapit nitong kaarawan sa Biyernes, Marso 28, wala pa umanong nasasabi o nababanggit ang ama tungkol dito.

Sa ngayon ay nasa mabuting kalagayan naman ang dating opisyal na siya ring maya’t maya kung bisitahin ni VP Sara.