-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nagbigay ang Ifugao Provincial Police Office (PPO) ng P134,300 na financial assistance sa pamilya ng mga biktima ng bagyong Ulysses sa Ifugao.

Naipon ang nasabing halaga sa pamamagitan ng kontribusyon ng mga personel ng Ifugao PNP.

Direktang ipinasakamay ang nasabing halaga sa pamilya ng 13 na biktima ng landslide sa Banaue, Ifugao.

Ginamit naman ang iba sa cash contributions sa pagbili ng mga grocery items na ipamamahagi sa iba pang biktima ng bagyo.