Opisyal na ng Iglesia ni Cristo (INC) ang tambalan nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential bet Sara Duterte-Carpio para sa 2022 national elections.
Inanunsiyo ngayong gabi ng Martes, Mayo 3 ng INC ang kanilang susuportahang kandidato para sa dalawang mataas na posisyon sa gobyerno apat na araw bago ang nakatakdang pagtatapos ng campaign period sa Mayo 7.
Usap-usapan na rin noon pang buwan ng Pebrero na ang BBM-Sara tandem ang ii-endorso ng INC matapos na isagawa ang proclamation rally nina Marcos at Duterte sa largest indoor arena sa buong mundo, ang Philippine Arena sa Bulacan na pagmamay-ari ng INC.
Maliban pa sa Marcos-Duterte tandem, inendorso din ng INC ang mga senatorial bets na sina dating PNP chief Guillermo Eleazar, Actor na si Robin Padilla, Jinggoy Estrada, Joseph Victor Ejercito, Senator Miguel Zubiri, Francis Escudero, dating VP Jejomar Binay, House Speaker Alan Peter Cayetano, Senator Sherwin Gatchalian, Mark Villar at Senator Joel Villanueva.
Ang INC ay kilala sa practice nito na “bloc voting” kung saan ang mga miyembro ng simbahan ay inaasahang iboboto ang kanilang inendorsong kandidato.
Tinatayang nasa 3 million miyembro ng INC sa buong mundo.
Maaalala na noong nakalipas na national election noong 2016, inendorso ng INC ang presidential bid noon na si dating Davao City mayor Rodrigo Duterte at vice-presidential bid na si Bongbong Marcos.