-- Advertisements --
Mai Fanglayan
Bombo Baguio image

BAGUIO CITY – Lubos na ipinagmamalaki ng mga Cordillerans o mga Igorot ang tagumpay na nakamit ng Igorot actress na si Maribeth “Mai” Fanglayan.

Ito ay matapos manomina si Fanglayan bilang Best Actress sa 2019 Gawad Urian na pinangungunahan ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

Nominado si Fanglayan dahil sa pagganap nito bilang “Fasang” sa pelikulang “Tanabata’s Wife.”

Makakatunggali ni Fanglayan sa nasabing parangal ang mga tanyag at beteranang artista tulad nina Pokwang, Bela Padilla, Nadine Lustre, Glaiza de Castro, Anne Curtis at Ai-Ai de las Alas.

Una nang nakilala si Fanglayan bilang Best Actress sa 2018 ToFarm Film Festival dahil din sa pagganap nito sa “Tanabata’s Wife.”

Nagkamit din ng iba’t ibang parangal ang nasabing pelikula at mga casts nito noong nakaraang taon.

Ayon sa mga Cordillerans na nakapanayam ng Bombo Radyo Baguio, kahit nominated pa lamang si Fanglayan sa Gawad Urian ay panalong-panalo na ito sa kanila dahil sa layo ng narating nito na patunay na kaya ng mga Igorot ang magpakitang gilas sa iba’t ibang larangan.

Si Mai Fanglayan na tubong Mountain Province ay naging Bombo volunteer ng Bombo Radyo Baguio noong 2016 elections.