BAGUIO CITY – Umaasa ang Cordilleran pride at muay thai world champion na maiuuwi nito ang gold medal sa nalalapit na 2019 Southeast Asian (SEA) Games na gaganapin dito sa bansa.
Nakatakdang maging kinatawan ng bansa si Lee Ariel Lampacan ng Baguio City at Itogon, Benguet sa larangan ng muay thai kasama ang iba pang mga Pinoy boxing athletes.
Naging world champion sa muaythai ang 29-anyos na dating minero matapos manalo ng gold medal sa International Federation of Muay Thai Associations World Championship na ginanap sa Mexico noong nakaraang taon.
Si Lampacan na naging multi-national medalist sa muaythai ang nag-iisang gold medalist sa mga Pinoy fighters na sumabak sa nasabing event.
Taong 2017, napanalunan nito ang World Muaythai Charity Asia Bantamweight Champion belt sa Hong Kong matapos nitong talunin ang veteran fighter na si B Kwok ng Hong Kong sa 54 kilograms division.
Nakapagtala si Lampacan ng apt na panalo at isang panalo sa kanyang mix martial arts career.
Kinikilalang phenomenal ang martial arts’ ethics ng Igorot fighter habang inilarawang superb ang kanyang dedication bilang isang atleta dahil sa kabila ng kakulangan ng financial support at resources ay nagawa nitong makapagsanay at mahasa ang kanyang martial arts skills.