-- Advertisements --
Andre Iguodala 2016 cropped
Andre Iguodala

Mapupunta na sa Miami Heat ang veteran forward na si Andre Iguodala matapos makuha sa Memphis Grizzlies.

Ang pagkuha kay Iguodala sa deal ay 24 oras bago magtapos ang NBA trade deadline.

Ayon sa report ni Adrian Wojnarowski ng ESPN, pipirma si Iguodala sa two-year $30 million contract extension.

Bilang kapalit sa package makukuha naman ng Memphis ang Heat forward na si Justise Winslow.

Si Iguodala na may averaged 12.1 points, 5.1 rebounds at 4.4 assists per contest ay hindi rin naman nakapaglaro sa Memphis kahit nakuha nila ito sa Warriors noong off season.

Ang 36-anyos na si Andre ay meron nang tatlong championship ring habang nasa Golden State. .

Ito na ang ikalimang team ni Iguodala sa Miami.

Posibleng sa Sabado na siya makapaglaro sa Heat sa laban kontra Kings.

Kanina talo ang Heat sa Clippers, 128-111.

Hawak ng Heat ang 34-16 record ngayong season.