-- Advertisements --
Isinusulong ngayon sa Senado na ihiwalay ang mga lokal na tanggapan ng Comelec mula sa local government units, kung saan sila nakabase.
Batay sa Senate Bill No. 778 na inihain ni Sen. Leila de Lima, kailangang independent ang tanggapan ng Comelec sa anumang impluwensya ng local officials.
Giit ng senadora, may mga opisyal ng komisyon na hirap magampanan ng wasto ang kanilang trabaho dahil sa pressure at pakikialam ng mga nakaupong lokal na opisyal.
Si De Lima ay matagal na naging election lawyer, bago naging public official.